.::. LATEST POSTS .::.

9Tuesday, July 18, 2006

miss ko na talaga sila.. kaninang umaga nga, napag-isa lang ako kasi malungkot ako eh., kaya dinaan ko lang sa pagsulat ng essay ung pagkalungkot ko.. d ko talaga mapigilang maluha sa mga nangyayari sa buhay ko, between me and my friends. sa tingin ko tuluyan na silang lumayo sa akin. Habang nagsusulat ako, napaluha ako. Biglang lumapit sa akin si oyen para humingi ng papel. Di ako makatingin sa kanya kasi mejo namumula ang mga mata ko pero makulit xa kaya sinabi ko na wala talaga akong papel. Ewan ko lang kung napansin ba niya na mejo namumula ang mga mata ko.
Papunta na kami ni rochelle ng chemistry room nang bgla akong tnawag ng mga classmates ko. Tinatanong nila kng nanjan na ba raw c mam. Tumango lang ako. Sa tingin ko nahalata nila na mejo problemado ako kaya tumingin na lang ako kay rochelle at tumawa.. Pag mejo na sesense ko na na parang lumilipad na naman ang utak ko at nagiging tahimik na, bigla kong sasabihin sa kung sino mang makatabi ko na "di ako maingay noh? heheheh" na mejo may joke ang dating.. pag tinatawag ako ng mga lalake nag ssmile lang ako. . Nakinig na lang ako sa teacher namin kaya mejo mabilis ung pagsagot ko sa mga questions niya. Kaya hindi nila nahahalata.
Pagdating ng hapon, mejo naging tulala na naman ako. Na gusto ko na talagang umiyak. Pinipigilan ko na lang un..nakkpag usap na lang ako sa mga katabi ko. Umalis ako sa upuan ko at pumunta dun sa may front row para kumopya ng assignment. Umupo si ayson sa chair ko. Pagkatapos ko, hiniram niya ung papel ko. Ibinigay ko lang ng walang imik. Nang matapos na xa, lumapit si marvin sa akin tapos sabi ko, "marv! di na ako madaldal noh? hehehe dapat gayahin nyo ako! tsk tsk tsk," tapos sagot nya, "sus! di naman eh! madaldal ka pa rin! hehe" (pumuntang papalayo at may parang ibinubungol) "oo nga tahimik ka na"... Naku lagot nahalata pala nila? kaya sigaw kunyari ako ng sigaw na "hoi ang ingay nyo naman, oist tumahimik kayo!" , napatanaw ako sa labas ng bintana at lumilipad na naman ang isip ko. Lumapit na naman si marvin kay wella na xang katabi ko. tapos sabi ko sa kanya, "marvin! di na nga ako madaldal eh!! dava? hehehe", sumagot na naman xang "lam ko meh problema ka dinadaan mo lang sa tawa," sabay layo. Di ako naka imik. Parang lalabas na talaga ung mga luha ko pero pinigilan ko pa rin. Sana naman maging close na ulit kami. Yun lang nmn tlga ang hinihiling ko eh.
Hayyy so much 4 the drama. Nung dinismiss na kami, naglaro kami sa oval nang bgla na lang kaming tnawag ni mam enage para dumalo sa meeting para sa filipino club. Fortunately, naging part naman ako sa organization. Nagalit din si mam lambert sa amin kasi di kami nakadalo sa miting nya para sa FAHP organization. Pano ba naman kasi? Sabay ung oras?!!! haaay naku, di talaga cla nag-isip. hmmmm nakipagchat ako sa mga ka forum ko ngaung gabi..hehe haaay d pa talaga ako nakapagstudy.. huuuuu..un lang!


++Lady-Conki.

.::. ABOUT MEH .::.



__+__NAME: conki, gay2x
__+__AGE: 16 y.o.
__+__LOC:Baybay, Leyte
__+__B-DAY: Feb. 15, 1991
__+__YM: conki_tonks2 sEnd Me aN iNstAnt mEsSagE!!
♥ ♥ CONKITONKS ♥ ♥
Am juzt a simple person who likes simple things.d ako maganda..Im friendly to those who are friendly and "masungit" to those who are also "masungit"..im a certified **PC addict**..

.::.LINKS.::.

MY FRIENDSTER
MY MULTIPLY
MY MYSPACE
MARKYCTRIGGER

.::. CHATBOX .::.